Showing posts tagged life

Nakuu. What are friends for? Para namang huhusgahan kita. Kahit mas matanda ka sakin feeling ko ikaw yung mas bata. I’ll protect you no matter what. Yang mga katulad niya, Wag mong iniintindi. May ibang tao dyan na mas kailangan ng attention at pagmamahal mo.

Colleen( my best-friend)

Possesive.

Hawak mo lang pero hindi naman sayo, pero dahil sa sobrang sanay ka ng hawak ito ayaw mo na ibigay sa ibang tao.

Kagulo ng utak ko ngayon, bat ganito inaarte ko na hindi naman talaga sakin pero parang ayokong mawala sa akin,sadyang nasanay na lang at palagay na ang loob sa bawat isa siguro kaya ganun.

Gulo eh.

Blessed.

Today is a great day.

Diode is ON
Yung pakiramdam na kahit papaano medyo nabawasan ng iisipin at napagana na ang power supply. Yeey!! So 3 subjects to go and four defense pa amg kailangan paghandaan. Well, hashtag engineering kami ngayon this week sakit sa left part of brain.

Kachiiiiiinng.
Salamat din Lord kasi nga ang dami kong orders ibig sabihin maraming nagtitiwala sa akin sa mga gawa ko at sympre isa lang ibig sabhin more allowance hahaha.


ThankYou po Lord.

Can’t feel the Intrams.

Yung totoo Intrams week or to fulfill your requirements week. Hahaha, sunod sunod.

Hirap naman ngayon ko ramdam ang pressure. Sabay sabay naman lahat paano ko hahatiin ang katawan ko sa tatlong subject na gagawa ng mga power supplies.

Sana makapagbigay ng power samin yan hahaha. 12 volts na.kasiyahan at kapahingahan nga diyan.

Okay.

Mas malinis okay.

Feel ko ang maturity sa bago kong background haha. Minsan kasi talaga kailangan linisin. Ang hirap na kasi huminga, time to moved on.

Habang  tina-type ko itu, naiisip ko gaano ako ka-drama dati, kung gaano ako kahibang sa maling pag-ibig dati, kung gaano ako nabulag. Nakakinis haha ang drama di bagay. Gusto ko man burahin lahat, sabi nga ng kaibigan ko parte na iyon matatawa na lang ako pag binalikan ko.

Nakamoved on na ako.

Baka magtaka pa isang bata diyan hahaha. Emote nagpalit lang ng background haha, Iba pa rin talaga true website keysa mobile. Nakakamiss yung feeling na naghahalo halo na yung background music ng mga binuksan mong blog. hahaha.

Tara, bye! Dae sabi eh. :)

Be careful of what you say, everyone has different way of seeing it.

Hindi ko alam kung bakit ganyan yung mga taong nakapaligid sakin ngayon. Ayoko sa lahat minumura ako, kasi ako hindi ko gingawa sa kanila iyon. I dont want to brag na mabait ako o anghel pero hindi ko talaga kaya iyon kasi may takot ako sa Panginoon. Sabihin na nilang flavor lang yun ng mga wordings nila pero it is a big issue for me na murahin mo ako sa harap ng maraming tao kahit pabiro lang. Yeah I take it seriously, who cares? Eto ako eh, pero hindi na lang ako masydo kumibo at akala mo sa reaksyon ko eh nagbibiro ako, ito ang hirap sa taong katulad ko na mabait na pinaghalo ang pagiging hindi halatang seryoso sa lahat ng bagay.

Minsan naisip ko sana talaga bigyan ako ng Lord ng maraming bait baka kasi maubusan ako dahil masaydo ng sinasagad ng mga taong nakapaligid sa akin.

Sana malaman natin yung respeto sa kapwa, at kahit kailan hindi naging batayan ang pagiging cool sa pangmumura sa kapwa mo na akala mo naman ikaw ang nagbibigay ng pang tuition fee niya.

  • <p> Angel: Alam mo Paw, ang tiwala parang stick-o minsan nababali rin tapos yung puso natin maaring piggy bank nakalaan talaga para mabasag.</p>

Nawalan ako ng pera ngayon pero hindi ganoon karami.

Tapos parang wala lang sakin, oo nakakalungkot kasi sayang talaga yun magbi-birthday pa naman kaibigan ko wala na ako panregalo at pinaka nakakahinayang talaga yung wallet.

Habang naggala pa kami ng mga kaibigan ko kahit nawalan na ako. Naisip ko hindi lang sa pera magiging masaya ang isang tao kundi kung sa paano siya mamumuhay at hindi magpaapekto kung sa ano ang nangyayari.

"Ang pera madaling makuha pero ang tunay na kasiyahan mahirap"

At bago ako umuwi, nakasabay ko sa jeep si C(crush ko). May kasabihan nga kapag may umaalis may dumadating.

Help!

Hindi ko na alam kung saan ako papanig. Pareho ko silang kaibigan pero iisang babae lang yung gusto nila. Hays! Ayoko maging plastic sa kanilang dalawa.

Ang masama pareho naman silang bigo doon sa girl.

Why?

Feeling ko talaga parang may mali sa akin. Hindi ako mahilig lumabas na isa lang yung kasama kahit close kami ng isang tao. Ang weird sa pakiramdam tska ang awkward para sa akin

Kanina I’m with one of my friend na guy(di ako sure kung guy talaga). Nag aya kasi ako kumain pero si Angel hindi raw makakasama tapos nahihiya naman akong sabihin na huwag na  kami kumain kasi dalawa na lang kami kaya go pa rin kahit ang awkward para sakin. Hindi naman sa ayaw ko siya kasama o may gusto ako sa kaniya basta iba lang.

Maraming nag aaya sa akin na mga kaibigan kong lalaki pero hindi ko pinagbibigyan kasi ang awkward nga para sakin kung dalawa kami. Hays sabaw eh walang mapost 

Nagulat ako sa track tags ko. Naka move on na ba ako o nasanay na lang ng wala siya?

Bigla akong naguluhan  sa nararamdaman ko,siguro hindi pa ganun ka-okay pero isa lang naman ang sigurado ako at ayun ang hindi na ganun kasakit pag naiisip ko siya hindi na ako kaganun na nanghihinayang sa dalwang taon na walang pinatunguhan.

Kung ibabalik yung mga panahong bago pa kami magkakilala, siguro pipiliin ko pa ring makilala siya kasi dahil sa kaniya naramdaman ko yung teenage love, dahil sa kaniya nasaktan ako at naging mas mature at matalino kung paano magtitiwala sa mga tao. Alam ko mahirap talaga yung araw at gabing feeling mo ang laki ng nawala sayo. Yung mga panahong kulang na lang malunod ka sa sarili mong luha. Lahat tayo alam natin kung gaano kasakit yun, ngayon naiintindihan ko na kung bakit yung pinsan ko hirap siya mag let go doon sa ex niya dati. Yung kahit kitang kita mo naman na mali yung relasyon nila kasi minahal niya talaga eh.. Mahirap talaga..

Pero ngayon alam ko na pala na  hindi ako ganun kabilis mag let go, nahihiya ako sa sarili ko at sa mga kakilala ko rito kasi yung nakaraang 7months na dumating sa akin nag hold on ako na babalik siya pero hindi eh. Alam ko hindi ganun kaagaran  mawawala ang lahat ng nararamdaman ko pero unti unti malapit na ako sa araw na magiging masaya as in masaya na ulit ako. Napagod na siguro akong paasahin ang sarili ko, pagod na ako sa ganitong kadramahan. Nabuhay ako ng 16 years ng wala siya, dalawang taon lang naman siya dumating sa buhay ko. 18 pa lang ako at may 12 years pa ako para mahanap ang God’s best ko hindi lang siguro 12 years kundi hanggang nabubuhay ako. Bibigay yan ni Lord!

TIWALA LANG!!!

Last Page of 2013

2013?

Throwback ba? Ahmmm, for me 2013 is not my year. I thought it was. Utot lang pala yun. Halos kalahating taon ako nakaranas ng emptiness, oo nagpakain ako sa kalungkutan sa kakulangan ng lovelife. Hindi madali sa akin ang mga biglaang pangyayari, oo sinasabi ko sa mga nakapaligid okay lang ako pero honestly hindi. Nahirapan ako mag cope up sa big changes nung nawala yung isang tao sa buhay ko. Masyado kasi ako na-attached, 20% lang ang naiwan sa akin buti na lang at may natira pa. Hindi lang din naman yun marami ring family problems ang naganap. Pero may nilatag din sa akin ang 2013 ng maganda. May mga blessings din. Yun ay ang aming baby tim at panggaling ng mga may sakit sa family. Spiritually growth din.

Mahirap talaga mag let go pero gusto ko iwanan ang lahat ng pain na pinaranas sa akin ng 2013, sabay ng pagbukas ng bagong taon. Iiwanan ko lahat ng sakit at burdens ko sa buhay ko ngayon. At babaunin ang lahat ng tinuro sa akin ng 2013 

2014, please be good to me!

Pasko na ilang oras na lang

Pero hindi ko maramdaman. Wala mang excitement akong ma feel. Parang ang lungkot lang talaga, dalawa lang kami ng mami ko sa bahay. Buti pa kapitbahay ang ingay ng bahay nila samantalang samin walang ingay. HAHAHAHAHAHAHAHAHA, tawa na lang tayo para masaya.

Dear Prinsesadwarfina, 
Ang layo na ng narating natin pala, ang rami  na palang nating na emote. Sorry ha hindi ko alam na anniversary pala natin ngayon. Sorry na ha! Kasi naman ewan ko talaga bakit hindi ko alam na Dec. 24 ako unang nagsabi sayo ng emote. Alam ko matagal nako sa tumblr world eh kaya lang hindi ko alam kung kelan kita nagawa hahaha. Pero bago ang lahat lahat, salamat ha kasi ikaw yung naging takbuhan ko kapag nagddrama ako kapag madaling araw at walang load pag hindi ko maitext yung mga kaibigan ko. Hindi man ako madalas mag post atleast we&#8217;re still together. 
Marami na rin akong naging friends dahil sayo, akala nga nila Princess yung pangalan ko hahaa! Nakakapanlinlang talaga ikaw. Alam ko hindi tayo ganun ka-famousXKsx pero don&#8217;t worry be happy! Okay lang hindi maging feymousxks basta ang mahalaga magkasama pa rin tayo ayun naman ang importante diba. 
Happy Anniv my baby blog, Muahxz. 

Dear Prinsesadwarfina, 

Ang layo na ng narating natin pala, ang rami  na palang nating na emote. Sorry ha hindi ko alam na anniversary pala natin ngayon. Sorry na ha! Kasi naman ewan ko talaga bakit hindi ko alam na Dec. 24 ako unang nagsabi sayo ng emote. Alam ko matagal nako sa tumblr world eh kaya lang hindi ko alam kung kelan kita nagawa hahaha. Pero bago ang lahat lahat, salamat ha kasi ikaw yung naging takbuhan ko kapag nagddrama ako kapag madaling araw at walang load pag hindi ko maitext yung mga kaibigan ko. Hindi man ako madalas mag post atleast we’re still together. 

Marami na rin akong naging friends dahil sayo, akala nga nila Princess yung pangalan ko hahaa! Nakakapanlinlang talaga ikaw. Alam ko hindi tayo ganun ka-famousXKsx pero don’t worry be happy! Okay lang hindi maging feymousxks basta ang mahalaga magkasama pa rin tayo ayun naman ang importante diba. 

Happy Anniv my baby blog, Muahxz.